Tuesday, May 5, 2020

Pastor Quiboloy accepts Vice Ganda's challenge.



Matatandaan na naging tampulan ng tukso si Pastor Quiboloy noong November 2019 dahil sa claim na ipinahinto niya ang malakas na lindol na yumanig sa Mindanao sa pamamagitan kanyang pagsigaw ng "Stop!"

Nuong November 2019, si Pastor Quiboloy daw at nakapag pahinto ng lindo nung siya ay sumigaw ng "Stop!"

Sa Showtime, ginamit naman ni Vice Ganda ito sa isang joke  nung November 5, 2019. 

Ang sabi ni Vice Ganda.
“Naku, kabahan si Cardo!" 
"Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. 
"Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan n’yo ‘yan.
“So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e.
"Napakayabang niyo pala!" habang tumatawa, at hinamon pa nya si Quiboloy na ipa-stop din ang traffic sa EDSA.
At nang nalaman naman ito ni Quiboloy, tinanggap nya ang hamon ni Vice Ganda.
Ang sabi ni Quiboloy, “Bakit naman dumating tayo diyan, parang lindol lang yung pina-stop ko, e. Dumating pa yung challenge na ipa-stop ko daw yung Probinsyano o kaya yung sa EDSA.
“Kailan mo ba gustong mapa-stop ang Ang Probinsyano? Ikaw, magpili ka, kelan mo ba gustong mai-stop?
"Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Ikaw, pili ka.
“Baka sa apat na buwan, hindi lang yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati yung network mo stop na yan.”
Dahil sa pangyayaring ito, naungkat muli ang hamon ni Vice Ganda kay Quiboloy dahil sa issue ngayon sa Covid-19 at ABS-CBN.
Unti unting nabawasan ng traffic sa EDSA dahil sa Covid-19.
At pansamantala ding ipinahinto ng ABS-CBN ang taping at airing ng iba't ibang show.
Dahil dito, nagulat ang karamihan dahil sa nangyari nga ang sinabi ni Quiboloy sa apat na buwan.

0 comments:

 

About Me

Site Info

PageRank Checking Icon
eXTReMe Tracker

Kevin Thought Copyright © 2009 Community is Designed by Bie Blogger Template